Andi & Jake

TOTOO nga ang sinasabi ng Kuya Gabby Eigenmann ni Andi Eigenmann na greatest love ng kapatid niya si Jake Ejercito.

“Actually, greatest love nila ang isa’t isa kaya hindi na namin masyadong pinapansin kung nag-aaway sila kasi ilang araw lang, magkakabati rin sila,” kuwento ni Gabby nang makatsikahan namin.

Hindi na siguro dapat pinapatulan ang mga kadramahan ni Andi dahil nu’ng isang linggo lang ay todo-todo ang talak niya, na wala na talaga sila ni Jake Ejercito, at kailangan na niyang mag-move on, at kung anu-ano pa.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kaya dumispley na siya na may kasamang baguhang tisoy na aktor nang manood ng fashion show.

Pero a few days ago, nakitang ka-dinner niya si Jake sa isang restaurant sa Promenade, Greenhills at balitang all’s well that ends well na.

At nang maaksidente si Andi noong isang araw, kaagad na sumugod si Jake sa hospital na pinagdalhan sa aktres.

Tanong namin kay Gabby, hindi ba nila pinagsasabihan si Andi na nagiging nega parati kapag sinasabing wala na sila ni Jake pero paulit-ulit namang napapasinungalingan?

“We give advise naman at sumusunod naman siya, pero sabi ko nga, hindi naman kasi ako nanghihimasok at nakikialam sa personal niyang buhay. Noong bata pa siya, tutok ako sa kanya, pero ngayong nasa edad na siya hindi na,” sagot ni Gabby.

Hindi na raw nila pinagagalitan si Andi.

“Hindi kasi kami (pamilya) ganu’n. The more na pagalitan mo, the more na ipagbawal mo, gagawin nila. Ganu’n kasi ang (ugali) ng Eigenmann, the more na pagbawalan mo, nag-eenjoy sila kasi bawal, eh. Reverse lang. Sabi ko, we always give you an advise, it’s your choice kung papakinggan mo. Hindi kasi kami ganu’n na ‘o, ito gagawin mo’,” say ng big brother ni Andi.

Ano ang masasabi niya kay Jake na laging nali-link sa iba’t ibang babae kaya mega-selos naman si Andi?

“Greatest love nila ang isa’t isa, they’ve known each other mga bata pa talaga sila. Feeling nga namin meant to be talaga. Sa loob ng four years nila, on and off sila.

“They’ll always end up on each other’s arm, eh. Sabi ko nga, kung masaya sila together which tried and tested naman, eh, di go. Kung masaya sila na magkahiwalay, eh, di go, basta kung saan sila masaya, doon kami,” kuwento ng bida sa seryeng Dading ng GMA-7.

Babaero ba si Jake na nahuling may kahalikan daw sa bar?

“Feeling ko hindi naman ano ‘yun (seryoso), nasa sa kanila ‘yun, hindi ko kasi alam ‘yung detalyado masyado pagdating sa ganyan. What we see is what we get lang,” katwiran pa ni Gabby.

Hindi ba sila nagagalit kay Jake na parati na lang nitong pinasasama ang loob ni Andi?

“Hindi, eh. Hindi ako ganu’n na kuya. Kasi problema nila ‘yan. Kung halimbawa nga na may ganyan, is she allowing it? ‘Yun lang naman ang mga kuwestiyon namin kasi at the end of the day, kung hindi sila, ah okay.

“Inuunawa namin si Andi, kasi siyempre single mom siya, kung sino man ang papasok sa buhay niya, gusto mo ‘yung aalagaan siya. Who would take full responsibility and napakita naman ni Jake ‘yun kaya wala akong masasabi sa kanya, kaya medyo malungkot na ganu’n nga, nagsalita si Andi na naghiwalay sila, pero sabi ko, babalik at babalik ‘yan, greatest love nga nila ang isa’t isa (nangyari nga),” mahabang paliwanag ni Gabby.

Samantala, masaya si Gabby sa consistent na mataas na ratings ng Dading pero malungkot dahil magtatapos na ito sa Biyernes, Oktukbre 10.

“Masayang malungkot kasi it’s one of the unforgettable projects that I have done and dahil konti lang kaming cast kaya naging malapit kami sa isa’t isa. Happy kasi sobrang tinangkilik ng manonood ang show namin, ang ganda ng feedback, comments, masaya,” say niya.