CAMILING, Tarlac – Malubhang nasugatan sa iba’t ibang parte ng katawan ang isang 36-anyos na lalaki na pinagtataga ng pinaratangan niyang durugista sa loob ng pamilihang bayan ng Camiling sa Tarlac, noong Lunes ng hapon.

Kinilala ni PO2 Jonathan Juanica ang biktimang si Jun Dela Cruz, tagawalis sa Camiling Public Market at residente ng Barangay Poblacion C, Camiling.

Kaagad na isinugod sa Municipal Health Unit ang biktima para malapatan ng lunas.

Nahaharap sa attempted homicide ang suspek na si Noel Laurel, 26, binata, ng Bgy. Sawat, Camiling.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Napaulat na kasama ng biktima ang ilang kapwa trabahador sa palengke nang kausapin niya ang nakatalagang security guard na pagbawalan sa lugar ang gumagalang suspek, na sinabi niyang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Nang komprontahin ay nagwala ang suspek hanggang pagbabatuhin si Dela Cruz. Kumuha rin ng jungle bolo ang suspek at pinagtataga ang biktima.