BEA Alonzo

MATITINDING emosyon at maaksiyong mga eksena ng paghaharap-harap ang mapapanood sa pagtatapos ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon sa Biyernes.

Lalo pang tutok na tutok ang televiewers ngayong unti-unti nang natutuklasan ng lahat na buhay pa si Rose (Bea Alonzo) habang nabubunyag na rin ang tunay na may sala sa pagkamatay ng kanyang amang si Henry (Chinggoy Alonzo) at ng abogadong si Emmanuelle (ginagampanan din ni Bea).

Inaabangan kung paano magtatagumpay si Rose sa kanyang misyon ngayong alam na nina Carlos (Tonton Gutierrez) at Sasha (Maricar Reyes) ang kanyang tunay na pagkatao. Makapigil-hininga ang mga tagpo kung paano nila poprotektahan ni Patrick (Paulo Avelino) ang kanilang pamilya kapag natuklasan nila na ang matagal na nilang hinahanap na mastermind na si Muerte at si Carlos ay iisa?

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Mananaig pa rin kaya sa huli ang kasamaan — o ang hustisya?

Ang Sana BukasPa Ang Kahapon ay prodyus ng sikat na sikat na Dreamscape Entertainment Television, ang grupo ring bumuo sa mga de-kalibre at top-rating TV masterpiece na Walang Hanggan, Ina Kapatid Anak, at Juan dela Cruz. Mula sa direksyon nina Trina Dayrit at Jerome Pobocan.