Kinumpirma ng Philippine Embassy sa Qatar na limang Pinoy ang namatay nang masunog ang kanilang sasakyan sa Corniche-Wakra highway malapit sa international airport ng Qatar noong Lunes ng gabi.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesman Charles Jose, tatlo sa mga biktima ang mula sa isang pamilya na nakabase sa Qatar habang dalawang iba pa ay mga nurse na bumibisita lamang sa lugar nang maganap ang trahedya.

Isang survivor, na isa ring Pinoy nurse mula Saudi Arabia, ay ideneklara nang “out of danger,” ayon sa DFA.

Base sa ulat ng Qatar media, sakay ang anim na biktima ng isang sasakyan nang mabangga ito nang isa pang kotse sa Corniche-Wakra highway malapit sa Hamad International Airport noong Linggo ng gabi. Roy Mabasa

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez