ALEOSAN, Cotabato – Sugatan ang dalawang lalaki sa pagsabog ng isang granada sa Aleosan-Pikit national highway, bandang 6:40 ng gabi noong Lunes, ayon sa police reports.

Kinilala ng pulisya ang mga nasugatan na sina Abu Baida Mamangkog at Jeffrey Nawal, kapwa residente ng Barangay Pagangan, Aleosan.

Ayon kay Senior Insp. Arniel Melocotones, hepe ng Aleosan Police, naglalakad ang mga biktima sa highway sa Sitio Bliss sa Bgy. Pagangan nang sumabog ang granada.

Napaulat na dalawang lalaki na magkaangkas sa motorsiklong walang plaka ang nag-iwan ng granada sa lugar. - Malu Cadelina Manar

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20