sarah geronimo

MAJORITY ng mga nanalo sa acting categories sa katatapos na 11th Golden Screen Awards (GSA) ng Entertainment Press Society (Enpress, Inc.) ay pawang first timers sa isa sa kinikilalang 'most credible' award-giving bodies ng bansa.

Nauna nang nakatanggap ng nominasyon si Vilma Santos sa pelikulang In My Life (2010) at kinilala naman ng GSA ang husay ni Rustica sa Lola (2010) ni Brillante Mendoza. Both actresses lost to Iza Calzado for her sterling performance sa Sigwa ni Joel Lamangan.

Ilang beses na ring kinilala ng GSA ang husay ni Sarah Geronimo pero ngayon lang niya nasungkit ang karangalan bilang winner ng Best Performance by an Actress in a Lead Role- Musical or Comedy para sa It Takes A Man and A Woman ng Viva at Star Cinema. Ito ang first acting award ng Pop Princess. Sadly, she didn't make ito at Teatrino.

National

Matapos rebelasyon ni Garma: Ex-Pres. Duterte, dapat nang kasuhan – Rep. Castro

Noong 2007, John Lloyd Cruz made it to the honor roll bilang winner ng Best Performance by an Actor in a Lead Role-Drama para sa One More Time. Ngayong taon, nakuha niyan uli ang karangalan bilang Best Actor-Musical or Comedy. Sayang nga lang dahil hindi niya personal na natanggap ang tropeo. Nasa bakasyon si Lloydie sa Cagayan de Oro City.

First ever nomination ni Joel Torre sa GSA ang para epektibong pagganap niya sa On the Job. Nagpagwagian agad niya at deserving talaga siya sa award.

Second nomination naman ni Joey Paras this year. In 2010, he almost made it as Best Performance by an Actor para sa Last Supper No. 3 but lost to Martin del Rosario (Dagim) at Rocky Salumbides (Tariman) who tied for the acting trophy.

Sa 11th year ng GSA, nasungkit ni Hannah Espia ang coveted Best Direction award. Pangalawang lady director pa lang si Direk Hannah to win it after Direk Ellen Ongkeko-Marfil romped off with the trophy in 2008.

Muli ay nagpapasalamat kami sa mga artistang dumalo sa gabi ng parangal. Thank you rin sa aming generous sponsors. Higit sa lahat, isang mahigpit na yakap at walang katapusang pasasalamat sa bida ng Moron 5.2: The Transformation (showing November 5, mula sa Viva Films) at resident host ng annual Golden Screen Awards na si John "Sweet" Lapus. Sweet nailed it again sa ilang costume changes.

Narito ang kumpletong listahan ng mga nagwagi sa 11th Golden Screen Awards.

Best Motion Picture-Drama: Transit (Cinemalaya Foundation & TEN17P)

Motion Picture-Musical or Comedy: It Takes A Man and A Woman (Star Cinema ABS-CBN Film Productions, Inc. & Viva Films)

Best Performance by an Actress in a Lead Role-Drama: (TIE) Rustica Carpio (Ano Ang Kulay ng mga Nakalimutang Pangarap?) & Vilma Santos (Ekstra)

Best Performance by an Actor in a Lead Role-Drama: Joel Torre (On the Job)

Best Performance by an Actress in a Lead Role-Musical or Comedy: Sarah Geronimo (It Takes A Man and A Woman)

Best Performance by an Actor in a Lead Role-Musical or Comedy: John Lloyd Cruz (It Takes A Man and A Woman)

Best Performance by an Actress in a Supporting Role-Drama, Musical or Comedy: Angel Aquino (Ang Huling Chacha ni Anita)

Best Performance by an Actor in a Supporting Role-Drama, Musical or Comedy: Joey Paras (Dance of the Steelbars)

Best Breakthrough Performance by an Actress: Jasmine Curtis- Smith (Transit)

Best Breakthrough Performance by an Actor: Marc Justine Alvarez (Transit)

Best Direction: Hannah Espia (Transit)

Best Original Screenplay: Giancarlo Abrahan, Hannah Espia (Transit)

Best Original Story: Erik Matti (On the Job)

Best Cinematography: Lyle Sacris, Ber Cruz (Transit)

Best Editing: Benjamin Gonzales Tolentino, Hannah Espia (Transit)

Best Production Design: Tessa Tang (Transit)

Best Sound Design: Albert Michael Idioma (Ano Ang Kulay ng mga Nakalimutang Pangarap?)

Best Musical Score: Mon Espia (Transit)

Best Original Song: ’Di Ako Titigil from the movie Burgos, music by Lucien Letaba, arranged by Melvin Corpin and interpreted by Sharon Flordeliz

Best Visual/Special Effects: David Yu, Miguel Javier (On the Job)