Isang hinihinalang carnap suspect ang naaresto habang nakatakas ang kasamahan nito nang matiyempuhan ng pulisya sa isang checkpoint habang sakay ang dalawa sa isang motorsiklong walang plaka sa Caloocan City, noong Linggo ng gabi

Kinilala ni Senior Supt. Ariel C. Arcinas, hepe ng Caloocan City Police, ang naaresto na si Carlito Antonio habang ang nakatakas nitong kasamahan ay nakilala lang bilang “Jonel.”

Nagmamando ng checkpoint ang mga tauhan ng Special Reaction Unit (SRU), sa pangunguna ni Senior Insp. Ronado Viray, nang sitahin ang dalawa habang sakay ng isang Yamaha Mio na walang plaka at kapwa sila walang suot na helmet.

Habang hinihingi ang dokumento ng motorsiklo ay kumaripas umano ang dalawa subalit si Antonio lang ang naaresto matapos makorner ng pulisya. - Ed Mahilum
National

De Lima, nag-react sa pahayag ni Espinosa na si Bato nag-utos na idiin siya sa illegal drugs