Tinaya ng World Bank na bahagyang babagal ang ekonomiya ng mga umuunlad na bansa sa East Asia Pacific, kabilang na ang Pilipinas, ngayong taon.

Sa huling update, tinapyas ang 7.2 porsyentong forecast at inilista sa 6.9 porsyento ang ekonomiya sa EAP, maliban sa China, na aangat sa 7.4 porsyento.

Bagamat ganito, ayon sa World Bank, mananatiling pinakamalakas at pinakamabilis ang ekonomiya ng EAP kumpara sa ibang rehiyon.

“East Asia Pacific will continue to have the potential to grow at a higher rate – and faster than other developing regions – if policy makers implement an ambitious domestic reform agenda, which includes removing barriers to domestic investment, improving export competitiveness and rationalizing public spending,” pahayag ni Axel van Trotsenburg, Vice president ng World Bank para sa East Asia at Pacific Region.

National

Hiling ni Quiboloy na ilipat sa kustodiya ng AFP, ibinasura ng korte

“While the region as a whole will benefit more than any other region from the recovery of the global economy, the impact will vary across countries, depending on their investment and export environment,” aniya pa.

“In the Philippines, buoyant remittances pushed up private consumption, which accounts for more than half of the country’s overall growth, forecasted to be at 6.4 percent this year and 6.7 percent in 2015,” banggit sa EAP economic update.

Inihayag naman ni Sudhir Shetty, chief economist ng World Bank para sa EAP region, na malaki pa rin ang kahaharaping panganib ng mga bansa sa rehiyon.

“The best way for countries in the region to deal with these risks is to address vulnerabilities caused by past financial and fiscal policies, and complement these measures with structural reforms to enhance export competitiveness,” wika ni Shetty.

Ang mga bansa sa East Asia Pacific ay kinabibilangan ng Australia, Brunei, Burma, Cambodia, China (kabilang ang Hong Kong Special Administrative Region at ang Macau Special Administrative Region), Fiji, Indonesia, Japan, Kiribati, Laos, Malaysia, Marshall Islands, Micronesia, Mongolia, Nauru, New Zealand, North Korea, Palau, Papua New Guinea, Philippines, Samoa, Singapore, Solomon Islands, South Korea, Taiwan, Thailand, Timor-Leste, Tonga, Tuvalu, Vanuatu, at Vietnam.