Maria Sharapova

BEIJING (AP)– Napanalunan ng top-ranked na si Novak Djokovic ang ikalimang titulo sa China Open sa kanyang tinatawag na pinakadominanteng final ng kanyang career nang durugin ang third-seeded na si Tomas Berdych, 6-0, 6-2, kahapon na inabot lamang ng mahigit isang oras.

Isang puntos na lamang ang kailangan ni Djokovic upang ibigay kay Berdych ang isang “double bagel”, isang 6-0, 6-0 na pagkatalo, ngunit nagawa ng Czech player na makuha ang isang match point, at pagkatapos ay na-break si Djokovic upang masungkit ang kanyang unang game.

National

Shear line, easterlies patuloy na nakaaapekto sa malaking bahagi ng PH

Naselyuhan naman ng Serb ang kanyang panalo matapos ang ilang sandali upang iangat ang kanyang maningning na rekord sa China Open sa 24-0.

‘’I met somebody in the final who I’ve never seen before,’’ saad ni Berdych. ‘’I was just swept out from the court.’’

Sinabi ni Djokovic na nagising siya noong Linggo na maganda ang pakiramdam at nagpatuloy into sa kanyang pag-apak sa court at ma-break si Berdych sa first game.

‘’Everything felt right,’’ aniya. ‘’I stepped on the court with this positive mindset. Obviously, I felt it from the start.’’

Sinabi ng No.6-ranked na si Berdych na wala siyang gaanong nagawa.

‘’I probably played maybe over, what, 600 matches in my career, and I met guys like Andre (Agassi), Roger (Federer), all those probably in their best times,’’ sinabi niya. ‘’But I have never, ever experienced anything like that.’’

Ayon kay Djokovic, umaasa siyang madadala ang momentum patungo sa isa pang titulo sa Shanghai Masters sa susunod na linggo. Si Djokovic ay mayroong 25-match winning streak sa buong China, at kanya ring napanalunan ang kampeonato sa Shanghai noong 2012 at 2013. Hindi pa siya natatalo sa China mula nang magapi ni Federer sa Shanghai semifinals noong 2010.

Sa women’s side, nalampasan ni Maria Sharapova si Petra Kvitova, 6-4, 2-6, 6-3, sa isang hard-hitting, back-and-forth na duwelo upang masungkit ang titulo at magbalik sa No. 2 sa rankings.

Napagwagian ni Sharapova ang 10 double-faults at ilang errors upang talunin si Kvitova sa rematch ng kanilang 2011 Wimbledon final na napanalunan ng Czech left-hander.

Makaraang hindi makapaglaro sa pagtatapos ng nakaraang season dahil sa injured shoulder, si Sharapova ay nasa isa sa kanyang pinakamatagumpay na taon sa tour. Nakopo niya ang ikalimang Grand Slam title sa French Open at ngayon ay may apat nang titulo para sa taon, ang kanyang pinakamarami sa isang season mula 2006.

Sa kanyang pagkakapanalo, nalampasan niya sina Simona Halep at Kvitova mula sa ikaapat hanggang ikalawa sa rankings, at napalapit sa topranked na si Serena Williams.

Kinapos naman si Kvitova, ang kasalukuyang Wimbledon champion, na makuha ang kanyang ikalawang titulo kasunod ng kanyang pagwawagi sa Wuhan Open.

Siya ay naglaro sa kanyang ikasiyam na laban sa loob ng 13 araw at bumaba ang lebel ng enerhiya habang tumatagal ang laro.

‘’Yeah, I was tired,’’ saad niya. ‘’But it was final. Every time I’m playing final, I’m giving everything I have inside.’’