Isang lalaki ang binaril at napatay ng hindi nakilalang suspek matapos mapagkamalang miyembro ng Akyat Bahay gang nang maglakad sa bubong ng isang bahay sa Pandacan, Manila nitong Biyernes ng madaling araw.

Patay na nang makita ang biktimang si Renato Robles, 52, at residente ng 2056 Lozada Street, Pandacan, Manila, sa bubong ng isang bahay sa 1131 Guanzon Compound, Teodoro San Luis Street, Pandacan, Manila.

Si Robles ay nagtamo ng dalawang tama ng bala sa dibdib mula sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

“Napagkamalan siguro itong miyembro ng Akyat Bahay kaya binaril,” ayon kay SPO3 Glenzor Vallejo, imbestigador ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section.
National

Amihan, ITCZ, patuloy na nakaaapekto sa malaking bahagi ng bansa – PAGASA