LAGARE sa dalawang malaking programa sa TV5 si K Brosas. Kapag Sabado, apir siya saTrenderas (airs at 9 PM) nina Isabelle de Leon, Lara Marie Maigue, Katrina Velarde at Nora Aunor. Tuwing Linggo, 8 PM, nasa Quiet Please! Bawal Ang Maingay naman siya with Richard Gomez bilang main host ng program.

Minsan, tumatawid din siya bilang jury ng Talentadong Pinoy, hosted by Robin Padillaand Mariel Rodriguez.

In between, lumilipad din siya sa ibang bansa para sa iba’t ibang shows ng Kapamilya Network. Tumatawid din siya paminsan-minsan sa Kapuso Network.

Winner ang byuti ni K, nakatatawid siya sa tatlong malalaking networks ng bansa.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa ngayon, happy ang komedyana sa trato sa kanya ng Kapatid Network. Mas lalong happy at inspired si K dahil she’s co-hosting Quiet Please! with Goma.

Nagsisilbing inspirasyon ni K ay ang nag-iisang anak na si Crystal. Kung kayod-marino man siya bilang single mom ay dahil gusto niyang bigyan ng magandang future ang anak.

Open naman sa pakikipagrelasyon ang singer-cum-comedienne pero sa ngayon daw ay sa anak na muna at sa lalo pang namumukadkad na showbiz career niya ibubuhos ang kanyang panahon.

In the meantime, ito ang magandang balita para sa mga suking tagasubaybay ng Quiet Please! Puwede nang i-download ang Quiet Please! Mobile Apps sa inyong android phones sa Google Play under the name “Quiet Please! BETA.” Pagkakataon na ito para i-enjoy ninyo ang comedy game show ng TV5- kahit saan, kahit kailan!