WYATT Isabelle ang ipinangalan ni Ashton Kutcher at ng fiancée niyang aktres na si Mila Kunis sa kanilang panganay.

Ito ang inihayag noong Biyernes ng bida ng hit television show na Two and a Half Men.

Ipinaskil ni Ashton, 36, ang magandang balita sa kanyang website kalakip ang ilang litrato ng sanggol at pinahulaan sa mga viewer kung sino sa mga ito ang kanyang anak.

“Mila and I would like to welcome Wyatt Isabelle Kutcher to the world. May your life be filled with wonder, love, laughter, health, happiness, curiosity, and privacy,” sinabi ni Ashton, tinukoy ang mga photographer na nagtipon sa labas ng kanyang bahay sa California.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

“Now, can the helicopter please stop hovering over our house, there is a baby sleeping inside! And she’s super cute,” dagdag pa ni Ashton.

Setyembre 30 nang isinilang ni Mila, 31, ang sanggol. Nagkasama ang magkasintahan sa That ‘70s Show at mahigit isang taon nang engaged.

Dating kasal si Ashton sa aktres na si Demi Moore. Nagdiborsiyo sila noong 2013. - Reuters