Vice Ganda

HINDI pa rin maka-move-on si Vice Ganda sa tuwing nagkukuwento tunkol sa Canada show ng It’s Showtime family. Nag-show ang grupo na halos kumpletong bumiyahe sa Toronto at Edmonton.

“Bongga ang pagpunta namin do’n, lalo na sa Edmonton, na soldout ang tickets. Malala ‘yung crowd, konting kibot lang namin, hiyawan at tilian na sila lahat-lahat. Ang nakakatuwa, lahat kami applauded, walang main star o second string,” ani Vice.

Bonding time rin daw nilang lahat ang pagbibiyahe sa ibang bansa dahil first time nilang nagkasama-sama nang buo outside ‘Pinas.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Ang saya. Nagpunta kami ng Niagara Falls, kaming lahat. Bihira kasi kaming magkakasama lahat-lahat, ‘yung gigimik kami, kakain sa labas,” masaya pa niyang detalye.

Nakaapekto ba sa reception ng crowd ang kinasangkutang isyu ni Billy Crawford?

“No’ng andun na kami sa Canada, super-applauded si Billy. Actually, naglolokohan kaming lahat, sabi ko, ‘ang taong ‘to, nakulong na’t lahat, applauded pa rin’, “ pabirong sagot ni Vice.

Back to Showtime na si Vice at sumisegue siya sa shooting ng Praybeyt Benjamin, ang kanyang MMFF 2014 entry with Richard Yap and Bimby Aquino Yap.

Ayaw nang pag-usapan pa ni Vice kung ilang milyones ang TF sa kanya sa nasabing MMFF entry. Basta’t malaking tulong daw itong pandagdag sa ipapatayong bahay niya.

Kabibili lang ni Vice ng 1,300 sq. meter lot sa isang exclusive subdivision (na ayaw niyang ipasulat) sa Quezon City. Si Kris Aquino pa raw ang kasama niyang naghanap ng lote.

“Andami naming pinuntahan hanggang sa no’ng makita ko ‘yung house and lot, nainlab na ako agad. Nagustuhan ko rin ‘yung location.”

Nagpa-bid na siya sa ilang architecture na gagawa ng nais niyang disenyo na isang modern-industrial house, ang kanyang dream house.