Tinakot umano ng mga imbestigador mula sa Office of the Ombudsman ang ilang akusado sa pork barrel scam na sasampahan sila ng karagdagang kasong kriminal kung hindi sila pumayag sa alok ng gobyerno na maging state witness.

Ibinuking din ni Stephen David, abogado ng tinaguriang “pork barrel queen” Janet Lim Napoles, inalok din umano ng mga imbestigador ng Ombudsman-Field Investigation Office (FIO) ng immunity at paguurong ng kasong multiple counts of graft at plunder na inihain na sa Sandiganbayan laban sa kanila.

Balak ni David na iharap sa korte ang mga akusadong binantaan umano ng FIO kung hindi sila makikipagtulugan sa imbestigasyon.

Sa pagdinig sa Sandiganbayan Third Division kahapon, inamin ni Atty. Ryan Medrano, miyembro ng FIO na nagimbestiga sa PDAF ni Senator Juan Ponce Enrile na kanyang ipinatawag ang mga akusado habang isinasagawa ang imbestigasyon sa Malampaya fund scam.

Eleksyon

Abalos, nanawagan ng sapat na pondo para sa kaguruang magbabantay sa eleksyon

Kabilang sa ipinatawag ng FIO ay sina Rodrigo Galay, Evelyn de Leon, John Raymund de Asis, at Eulogio Rodriguez, na mga kliyente ni David.

“Si Atty. Medrano ang sinasabi nila mismong nanakot sa kanila,” pahayag ni David.

“Pinangakuan na aalisin sa kaso pag pinirmahan ang mga affidavit na ginawa nila (mga akusado),” ayon pa sa abogado ng depensa.