Ai Ai Delas Alas

INAMIN ng komedyanteng si Ai Ai delas Alas sa isang kaibigang aktres na hanggang ngayon ay nakakaramdam siya ng tensiyon sa tuwing kasama niya ang boyfriend na si Gerald Sibayan lalo na sa showbiz affairs.

Pero mas matindi raw ang naramdaman ng aktres noong kasalukuyan pa siyang nililigawan ng 20 year-old La Salle student.

Kuwento pa ni Ai Ai sa kaibigan niya, halos lahat ng mga kakilala niya ay tinitext niya para hingan ng tulong kung paano ang gagawin niya sa nangungulit na si Gerald, huh!

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Sa totoo lang, hindi mo maaalis ‘yun kay Ai Ai kasi ba naman masyadong bata ang nanliligaw sa kanya. Feeling niya, eh, bagets din siya,” napatawang kuwento pa ng aktres na madalas hinihingian ng advice ni Ai Ai.

Payo pa nga raw niya nu’ng una kay Ai Ai, dedmahin na ng komedyana ang panliligaw ng bagets. Ang katwiran pa raw niya, napagdaanan na niya ‘yun sa dating mister niyang si Jed Salang.

Kumbaga, pagkatapos ng mga naranasan kay Jed ay natatakot ang kaibigan ni Ai Ai na maaaring mangyayari ulit iyon sa komedyana. Pero may malaking kaibahan naman daw si Gerald kay Jed.

Kahit nga raw hindi pa naipapakilala sa kanya nang personal ni Ai Ai ang bagong boyfriend, ramdam naman ng aktres na mahal na mahal ng bagets ang kaibigan niya, huh!

Gayunman, gustong iparating ng aktres kay Ai Ai na kung desidido siyang ituloy ang planong pagpasok sa pulitika sa 2016, maaaring makaapekto sa komedyana ang relasyon nito sa batambatang si Gerald.