TARLAC CITY— Inihayag kahapon ni Maria Aurora Municipal Tourism Coordinator Noel Dulay na nakatakdang buksan sa publiko sa 2015 ang dalawang bagong diskubreng talon sa bayan ng Maria Aurora.

Aniya, ang mga ito ay pinangalanang Hubot Falls at High Drop na nasa Barangay Villa Aurora na bahagi ng Aurora Memorial Park. May taas na higit sa 90 talampakan ang Hubot Falls habang doble ang taas at tarik ng High Drop.

Ayon kay Dulay, nakikipagugnayan na sila sa Tourism Office ng kapitolyo kung paano pasisiglahin ang lugar upang makatulong sa pagyabong ng industriya sa lalawigan.

Taong 2013, tumaas ng 21 porsiyento ang bilang ng mga turistang bumisita sa lalawigan ng Aurora.

‘Bakuna Eskwela’ program ng DOH, DepEd, aarangkada

Binanggit ni Provincial Supervising Tourism Officer Charlotte Madarang na umabot ang kanilang tourist arrival noong nakaraang taon sa 272, 182 na mas ataas ng 57,087 kumpara sa 215,095 na naitala noong 2012.

Kabilang sa dinarayo ng mga turista ang Ermita Hills, Musaeo de Baler, replika ng bahay ni Donya Aurora Aragon-Quezon, Sabang Beach, ang makasaysayang Simbahan ng Baler, ang mga puno ng balete sa bayan ng Maria Aurora na sinasabing pinakamalaki sa Asia, at ang mother falls sa San Luis.