Ibinunyag ni Senator Francis “Chiz” Escudero na mayroong mga “palusot” ng mga sasakyan sa panukalang budget ng Department of Budget and Management (DBM).

Sa pagdinig noong Martes ng DBM, tinukoy ni Escudero ang P15 milyong capital outlay ng DBM na hindi nakalagay sa itemized budget.

National

De Lima, nag-react sa pahayag ni Espinosa na si Bato nag-utos na idiin siya sa illegal drugs

Ayon kay DBM Secretary Florencio Abad, P1.1 milyon dito ay ipinambili ng dalawang sasakyan para sa DBM Central Office at tig-isa sa Region 8,9 na nagkakahalaga ng P1.3 milyon.

Nagtataka si Escudero kung bakit hindi ito nakasama sa special allotment release order (SAROs).

Pero ayon kay Abad, hindi pa kailangan ang SARO kapag kahilingan pa lamang at hindi pa naaprubahan

Bunga nito, hiniling ni Escudero kay Abad na bigyan ng mga dokumento ang Senado para matukoy kung saan napupunta ang pera.