Ipinagdiriwang ng Guinea ang kanilang Araw ng Kalayaan ngayon bilang paggunita ng kanilang paglaya sa France noong 1958. Idinaraos ang mga talumpati ng mga pulitiko at mga konsiyerto kung saan ang mga mamamayan ay nakasuot ng mga tradisyunal na kasuotan.

Bumubuo ng hugis buwan, Ang Guinea ay nasa hangganan sa hilaga ng Guinea-Bissau, Senegal at Mali at sa timog ay ang Sierra Leone, Liberia, at Cote d’Ivoire. Ang Niger River ay nasa Guinea at dumadaloy patungong silangan. Sampung milyon ang populasyon ng naturang bansa na binubuo ng 24 ethnic group ang ang pinakamalalaki nito ay ang Fula, Mandinka, at Susu. Islam ang dominanteng relihiyon na sumasaklaw ng 85% ng populasyon. Conakry ang capital at pinakamalaking lungsod.

Mayaman sa mineral resources ang Guinea, taglay nito ang halahati ng kilalang bauxite reserves sa daigdig, na mahigit 25 bilyong metriko tonelada. Ang bauxite at alumina ang pangunahing export, nagkakaloob ng 80% ng foreign exchange ng Guinea. Ang iba pang resources ay diamante, ginto, at iba pang metal. Mahalagang sektor din ang agrikultura, na nag-eempleo ng 80% ng labor force ng bansa.

National

143 Pinoy, pinagkalooban ng pardon ng UAE – PBBM

Binabati natin ang mamamayan at pamahalaan ng Republic of Guinea sa pangunguna nina Pangulong Alpha Conde at Prime Minister Mohamed Said Fofana, sa okasyon ng kanilang Pambansang Araw