PSA Volleyball

Sa unang pagkakataon, magkakaroon na ng men’s competition ang Shakey’s V-League Season 11 3rd Conference sa Oktubre 5.

Ito ang inihayag kahapon ng organizer ng liga na Sports Vision matapos maging panauhin kahapon sa lingguhang sesyon ng PSA Forum sa Shakey’s restaurant sa Malate, Manila.

May tig-apat na koponan, kapwa sa men’s at women’s division, ang idaraos sa unang pagkakataon sa 3rd Conference na magbubukas sa Linggo sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Kabilang sa apat na koponang maglalaban sa women’s ay ang defending champion Philippine Army, Meralco, PLDT at Cagayan Valley.

Nagkumpirma naman ng kanilang paglahok sa men’s division ang Instituto Aesthetics Manila at Systems habang pagpipilian ang huling dalawang teams sa Philippine Air Force, Cignal at University of Perpetual Help.

Ayon kay Sports Vision president Ricky Palou na kasamang naging panauhin kahapon sa PSA nina Sports Vision Chairman Moying Martelino, Shakey’s Marketing and Guest Engagement director Chez Manalaysay at Shakey’s PR and Events Officer Jam Evartisto, na ginawa nilang tig-apat lamang ang koponan para hindi na humaba ang torneo at hindi na umabot sa pagbubukas ng UAAP at NCAA volleyball tournament.

Inaasahan din nila na makakaakit pa sila ng mas maraming atensiyon at interes para mas lalong maging popular ang volleyball sa kababaihan at kalalakihan.