Ang alam kong labas sa kapangyarihan ng Kongresong mag-imbestiga ay ang mga bagay na personal sa taong kanyang iniimbestigahan. Hindi ang personal na bagay ni VP Jejomar Binay ang kasalukuyang iniimbestigahan ng senado.

Ang iniimbestigahan nito ay may kaugnayan sa salapi ng bayan. Kung paano ginastos ito ni VP Binay noong alkalde pa siya ng Makati at ng kanyang maybahay at anak na sumunod sa kanya na alkalde ay siyang masusing inaalam ng senado. Karapatan gawin ito ng senado dahil ang Kongreso ay siyang tagapangalaga ng pondo ng bayan.

Eleksyon

Pagbawi umano ni Ex-Pres. Duterte ng COC sa pagka-alkalde, hindi raw totoo

Kahit tawagin ng kampo ni VP Binay ang imbestigasyong isinasagawa sa kanya na “in aid of demolition o in aid of election”, hindi maiaalis na dapat malaman ng mga mambabatas kung kailangan ba ang batas upang maiwasan na magamit pa ang pamamaraan ni VP Binay sa paggawa ng proyekto.

Kaya inaalam ang bintang na overpriced ang Parking Building na ginawa ng mga Binay upang malaman na sa phase for phase na ginawa ito ay maluwalhating naganap nga ang overpricing. Kung naganap man, hindi pagdududahan na ito ay tiwali at walang naibulsang pera ng mamamayan.

Makatutulong din ang imbestisgasyon isinasagawa ng senado sa pagbuo ng opinyong publiko. Kahit ito ay nagbunga lamang ng pagbibilad sa ginawa ni VP Binay, ito naman ay makatutulong para malaman kung may nakita ang mamamayan na hindi maganda sa kanyang ginawa na kailangan ang batas upang huwag nang maulit na hindi naman ito nakita ng mga mambabatas.

Kaya, may impormasyon ang mamamayan para ipilit sa mga ito na gumawa ng batas. Wala akong nakikitang batayan para pasukin ng Korte Suprema ang teritoryo ng Kongreso at pakialaman ang imbestigasyong ginagawa ng senado kay VP Binay.