INCHEON, Korea - Batid ni Daniel Caluag ang init ng kanyang kampanya para sa Philippine team sa 17th Asian Games.

Pinag-usapan siya ng Philippine delegation officials bilang isa sa ilang brightest hopes upang magwagi ng gold medal dito.

Isinama siya sa cycling's BMX event, ngunit nananatiling misteryoso ang kanyang record matapos ang London 2012 Olympics nang maunsiyami siya na mapasakamay ang kapareho ring inaasahang puwesto sa kanya.

Naging abala siya upang pagtuunanang kanyang degree sa Nursing sa US. Na siyang naging dahilan upang'di siya makita sa track sa VeI-sanctioned races simula pa noong Mayo 2013 matapos na magwagi sa Asian championship sa Indonesia. Ang naging resuita, hindi nakita ang kanyang pangalan sa UCI's ranking na inilas sa buwan na ito.

National

Bilang ex-DepEd chief: VP Sara, masaya sa naitayong museo sa Camarines Norte

Ngunit sinabi ni Caluagna preparado siya para sa Asian Games sa kanyang pagpartisipa sa tatlong races sa Nashville at Texas sa US sa nakaraang taon.

“I have mentally and physically prepared myself and I am hoping to get things in the right box for the gold medal here,” saad ni Caluag, ang ranked BMX rider sa US bago pumayag na sumabak sa Philippines sa London at noong nakaraang Disyembre sa Myanmar SEA Games kung saan ay nagwagi siya ng gold at kanyang kapatid na si Christopher, sasabak rin sa Asian Games para sa hinahangad na bronze.

“There is such expectation for me to deliver and I am not going to let the Philippines down,” pahayag nito. Dumating si Caluag checked sa Athletes Village, kapatid na si Christopher at kanyang coach na si Greg Romero. ‘Di agad sila nakarating sa Games track na may two-hour ride sa bus mula sa Village.

“But I have seen the track on video and it’s just any other track,” giit ni Caluag. “But we’ll get to see it tomorrow [Tuesday] and test the difficulties, perhaps ride it.”

Hindi pa alam ni Caluag kung sino ang makakaharap ngayon ngunit sinabi nito na siya’y nakahanda.

“I’ve learned that guys I’ve raced with are here and we’ll have to set up our game plan for that,” ayon dito. Tanging siyam na riders lamang ang kakarera ngayon, tig-dalawa sa Pilipinas, China, Japan at Korea at isa Indonesia.

Magsisimula ang seeding run sa ganap na alas-11:30 ng umaga habang ang motors ay sa ganap na ala-1:10 ng hapon, pawang Korea time.

Isinama din ng Philippine ang dalawang riders sa cycling’s road events na sina Mark John Galedo na tumapos na ika-13 sa time trial at ika-26 group sa road race kung saan ang kanyang batang teammate na si Ronald Oranza ay tumapos na nasa ika-11 group.