LASAM, Cagayan - Wala nang mga mata nang matagpuan kahapon ang bangkay ng isang babae sa madamong bahagi ng Lasam sa Cagayan.

Kinilala ng kanyang kapatid na si Rita Ricardo ang biktimang si Andang Ricardo-Lopez, ng Barangay Libag Norte, Tuguegarao City, Cagayan.

Ayon sa mga nakasaksi sa pagdukot, hinintuan ng isang puting van ang tapat ng bahay ni Lopez sa gilid ng Mahalika Highway at inalok ito ng pabango, pero matapos amuyin ang huli ay nakita nila umano nang nawalan ng malay si Lopez at pinagtulungan ng tatlong lalaki na maisakay sa van.

Sinabi naman ng pulisya na inaalam pa nila kung may iba pang bahagi ng katawan na nawawala kay Lopez, dahil nakitaan ito ng malalaking sugat at hiwa sa iba’t ibang parte ng katawan. - Wilfredo Berganio
Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?