Tatlong fuel tanker ang natupok ng apoy sa oil depot sa Sta. Ana, Manila kahapon.

Base sa ulat ng pulisya, nagsimula ang sunog dakong 5:50 ng madaling araw nang biglang lumiyab ang isa sa tatlong fuel tanker habang pinupuno ng gasolina sa compound ng Petroleum Technology and Research Corporation sa 2613 Old Panaderos St., Sta. Ana, Manila.

Ang compound ay pag-aari umano ng isang Enrique Tan.

Nagdulot ng takot ang mabilis na pagkalat ng sunog sa iba pang fuel tanker sa mga residente.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Naapula ang sunog dakong 7:14 ng umaga at walang naiulat na nasugatan sa insidente, ayon kay SFO2 Edilberto Cruz. - Jenny F. Manongdo