Nakalapit ang National University (NU) sa hinahangad na unang UAAP girls volleyball crown matapos gapiin ang defending champion University of Santo Tomas (UST) 25-17, 25-20, 20-25, 25-21 sa Season 77 Finals opener sa Adamson University (AdU) Gym.

Naipagkaloob nina Jasmine Nabor at Faith Nisperos ang mga mahahalagang hits sa ikaapat na set para makamit ng Junior Lady Bullpups ang pamumuno sa best-of-three finals series.

Sa kalalakihan, tinalo naman ng Ateneo ang National University (NU), 25-22, 25-18, 22-25, 25-17, para makapuwersa ng deciding game sa kanilang stepladder semifinals.

Dahil dito, matatagalan pa para malaman kung sino ang makakatunggali ng reigning 10-time boys champion na University of the East (UE) sa finals.

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Nauna nang umusad ang Juniors Warriors sa finals na taglay ang malaking bentahe na thrice to beat matapos mawalis ang kanilang 12 laro sa eliminations.

Tatangkain ng Junior Lady Bulldogs na mabura ang mga pangyayari noong nakaraang taon kung saan nanalo sila sa Finals opener bago sila tinalo ng Junior Tigresses ng dalawang sunod sa pangunguna ng nakaraang taong MVP na si EJ Laure.