Richard-Gomez-copy

IPINAUBAYA na ng host ng Quiet Please! Bawal Ang Maingay (TV5’s top-rating game show that airs Sunday, 8 PM) na si Richard Gomez sa mga baguhang male star at celebrity ang pagrampa sa Bench show.

Sa katatapos na controversial na The Naked Truth sa SM Mall of Asia, Goma was seen allegedly at the bleacher cheering for the stars at the runway. Para sa morenong aktor, panahon na rin naman para sa mga baguhan na gusto ring makilala sa fashion world at ramp modelling.

Si Richard ang orihinal endorser ng sikat na apparel na pag-aari ni Ben Chan at sa tuwing isinasagawa ang biennial event ng Bench, laging nasa finale ang mister ni Leyte Congresswoman Lucy Torres- Gomez. Kilala ang magasawang Richard at Congresswoman Lucy bilang ‘golden couple’ ng Bench apparel.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Samantala, kuntento at masaya na rin si Goma sa rating ng Quiet Please! Bawal Ang Maingay (co-hosted by comedienne K Brosas). Hindi man ito kasing taas ng ratings ng mga kalabang programa, unti-unti na rin itong pumapasok sa kamalayan ng regular viewers ng TV5.

Masaya rin ang staff dahil nakapagbibigay ito ng kasiyahan sa mga manonood.

Sa episode last Sunday, anim na celebrities ang nagtangkang masungkit ang mahigit P300,000 na cash prize at stake. Kinabibilangan ito ng Team Kikiam nina Ehra Madrigal, Iwa Motto at Paolo Paraiso versus

Team Fishball nina Caloy Alde, IC Mendoza at China “Krissy” Tuazon.

This coming Sunday, higit na kaaaliwan ang programa dahil may bagong set ng celebrity guests ang bibisita sa ‘pinakatahimik’ at pinakamasayang game program ng Kapatid Network.