Patay ang isang 80-anyos na lalaki at may 100 bahay ang naabo sa sunog sa Lacaste Ville sa Pasonanca, Zamboanga City nitong Linggo.

Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), electrical short circuit ang sanhi ng sunog na tumupok sa mahigit 100 bahay.

Ayon sa BFP, nagsimula ang sunog dakong 2:15 ng hapon noong Linggo.

Gawa sa light materials at dikit-dikit ang kabahayan sa lugar kaya mabilis na kumalat ang apoy.

Lacson, tila nagpatutsada sa ilang nag-file ng COC: 'The following are not disqualified...'

Bigo namang makalabas sa kanyang bahay si Virgilio Nuñez, dahil na rin sa kanyang katandaan.

Tumagal nang mahigit isang oras ang sunog, na tuluyang naapula bandang 3:35 ng hapon.

Pansamantalang nakatuloy ngayon sa Pasonanca Elementary School ang mga nasunugan at agad namang umayuda ang pamahalaang lungsod.

Umapela na rin ng tulong sa publiko si Zamboanga City Mayor Maria Isabelle Climaco dahil aabot sa 1,000 pamilya ang nanunuluyan ngayon sa evacuation center.