Jennifer Lopez

MALIBU, California (AP) – Iniulat ng awtoridad na nabangga ang likurang bahagi ng SUV na sinasakyan ng aktres na si Leah Remini at ng singer na si Jennifer Lopez kasama ang dalawang anak ng huli, at pinaniniwalaang lasing ang tumakas na suspek.

Ayon kay Los Angeles county Sheriff Sgt. Philip Brooks, minamaneho ni Leah ang SUV ni Jennifer dakong alas-8:00 ng gabi noong Sabado nang tumigil ito sa traffic light sa Malibu. Ngunit biglang sinalpok ng isang pickup truck ang likurang bahagi ng kanilang sasakyan.

Walang nasaktan sa insidente.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Bumaba si Leah at ang driver ng truck para suriin ang pinsala sa kani-kanilang sasakyan pero biglang sumakay sa truck ang suspek at nagmamadaling humarurot.

Hinarang din siya ng mga awtoridad sa ‘di kalayuan. Inaresto siya at na-book sa suspetsa ng pagmamaneho nang lasing at hit and run.

Hindi naibigay ni Brooks ang pangalan ng suspek.