Inihayag ni Negros Occidental 3rd District Rep. Alfredo “Albee” B. Benitez na dapat ipagbawal ng gobyerno ang pagluluwas ng magnetite sand bilang raw materials, kaya ipinupursige niya ang HB 4760 (Magnetite Sand Processing Act of 2014).

Ayon sa kanya, ang mismong bansa natin ang dapat magproseso sa itim na buhangin upang maibenta ito sa ibang bansa bilang high-value products for export at hindi bilang raw materials.

Gayunman, aniya, bilyun-bilyong dolyar ang nalulugi sa bansa dahil sa trade imbalance sanhi ng murang export price ng magnetite sand bilang raw materials, kumpara sa magastos na processed products na inaangkat ng Pilipinas mula sa ibang mga bansa na ang ginagamit ay raw materials mula sa Pilipinas.
Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar