BEACH-VOLLEY-PIC-14-copy-550x342

Umaasa ang Philippine Volleyball Federation, katulong ang PLDT Home Fibr, na mabubuo nito ang pinakamalakas na men’s at women’s national teams pati na rin sa Under 23 sa pagtatapos noong Sabado ng gabi ng pinakahuling try-out na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.

Asam na makamit ang pinakamataas na yugto at bagong era ng volleyball sa bansa, nagsidalo ang kinukunsiderang “the best and the brightest “ sa sports na volleyball para sa hinahanap na kabuuang 19 na manlalaro na ihahanda para sa paglahok sa internasyonal na torneo kabilang na ang 28th Singapore SEA Games sa 2015.

Sinaluhan pa ng pagdalaw ng dating national coaches na sina Kit Santos at Emil Lontoc at players na nagrepresenta sa bansa sa Asian Games at World Championships pati na miyembro ng huling men’s team na nag-uwi ng gintong medalya sa Southeast Asian Games (SEA Games) noong 1993 ang try-out.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“It is heartwarming na kahit sa Facebook mo lang sila inimbitahan, they showed up to give their full support to the younger generation of players as well as sa program natin to start our journey to regain superiority sa volleyball,” sabi lamang ng tatayong national team manager at dati din national player na si Edgar Barroga.

Ipinamalas naman ng kabuuang 50 manlalaro sa kababaihan at 45 sa kalalakihan mula sa iba’t-ibang unibersidad ang skills sa defence at offense pati ang tactical strategy upang makumbinsi ang mga nanonood mismo na itinalaga na national coaches na sina Arthur Mamon sa lalaki at Ramil De Jesus sa babae.

Inihayag naman pamunuan ng volleyball godfather na PLDT Home Fibr sa pangunguna ni Gary Dujali, Vice president at head ng PLDT Home Marketing, ang kanilang suporta.

“Given proper training and support, we believe that our volleyball athletes can compete with the world’s best. PLDT Home Fibr is so happy to reaffirm its support to the PVF as it si the group’s mission to inspire the youth toward sports  excellence,” sabi pa Dujali.

Ilan naman sa nagsidalo sa huling try-out ang magkapatid na Dindin at Jaja Santiago na kapwa kuwalipikado sa Under 23 team pati na rin sina Alyza Valdez, Abby Marano at ang papaangat na batang player na si Ennajie Laure.

Matatandaang unang sinuportahan ng PLDT  Home Fib rang paghohost ng bansa sa AVC Men’s Club Championships kung saan nakamit ng Pilipinas ang pinakamataas nitong ranking na ikapitong puwesto gayundin ang women’s team na lumahok sa AVC Women’s Club Championships sa Thailand na tumapos na ikawalo.