Sa halip na sa basurahan o sa bakanteng lote itapon, anim na fetus na tinatayang nasa limang buwan na ang inilagay sa ibabaw ng isang nakaparadang tricycle sa Caloocan City, Sabado ng umaga.

Nabatid kay Senior Inspector Arturo Dela Cruz, commander ng Sub-Station 2 (SS2) ng Caloocan City Police, na nakatanggap sila ng tawag tungkol sa mga fetus na natagpuan sa ibabaw ng isang tricycle sa Purok 5, Kawal, Barangay 28, Dagat-Dagatan, bandang 10:15 ng umaga.

Kaagad na nagresponde ang mga pulis at nakita nila ang mga fetus na nakalagay sa karton.

Hinala ng pulisya, posibleng isang abortionist ang nagtapon ng nasabing fetus mula sa mga kostumer nito.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Dinala ang mga fetus sa Saint Marc Funeral Homes upang bigyan ng maayos na libing.