Agad na namatay ang isang pinaghihinalaang miyembro ng gunfor hire syndicate, matapos itong paulanan ng bala ng pinangsamang puwersa ng Northern Police District (NPD at Quezon City Police District (QCPD), nang makipagbarilan ito sa awtoridad, kung saan napatay din ng suspek ang isang pulis at ikinasugat pa ng isa pang kabaro nito sa shootout na naganap sa Navotas City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang napatay suspek na si Raymond Mangali, 32, alyas “Emon” habang nakatakas naman ang isang kasamahan nito.

Dead-on-the-spot naman si SPO4 Hector Lacheda, ng Quezon City Police District habang ginagamot sa Manila Central University (MCU) Hospital ang kasama nitong si SPO1 Juan F. Fernando matapos makipagbarilan kay Mangali.

Bandang 3:45 ng madaling araw nang salakayin ng mga tauhan ng Northern Police District at QCPD ang pinagtataguan ng suspek sa Sampaguita Street, Barangay Tanza, Navotas City.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Subalit nakita ng mga suspek ang pagdating ng mga pulis kung kaya agad na pinaputukan ang mga ito, saan tinamaan sina Lacheda at Fernando.

Gumanti ng putok ang mga pulis at pinaulanan ng bala si Mangali.

Matapos ang putukan, narekober ng mga pulis isang caliber 45 pistol at dalawang carbine rifle mula kay Mangali.

Nabatid na si Mangali ay wanted sa mga kasong murder sa Quezon City at sa Northern Metro area.