Isa ang Pilipinas sa limang nominado para sa “Best in Destination Marketing Award” sa katatapos na 20th World Development Forum o mas kilala bilang World Routes Tourism Summit 2014 sa MacCormick Place, Chicago noong Setyembre 20-24.

Naging delegado ng Pilipinas sina Philippine Consul General Generoso D.G. Calonge, Vice Consul Alena S. Borra ng Konsulado sa Chicago, matataas na opisyal mula sa Department of Tourism (DOT), Department of Transportation and Communications (DTC), Manila International Airport Authority, Clark International Airport Corporation, Mactan-Cebu International Airport at Civil Aviation Authority of the Philippines.

Ang World Routes ay isang pandaigdigang pagtitipon para sa mga organisasyon ng aviation sa buong mundo.

Inihayag din sa forum na gaganapin ang 2016 Routes Asia sa Manila sa Marso 6-8. Pangangasiwaan ito ng DOT, Manila International Airport Authority, Tourism Promotions Board at Mactan-Cebu International Airport Authority.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho