TARLAC CITY - Dahil sa matinding sama ng loob sa naramdamang pagkaapi sa pagtataksil ng asawa at pagpapabaya nito sa kanilang anak, nagharap ng reklamo ang isang ginang laban sa kanyang asawa sa Women and Children Protection Desk ng Tarlac City Police.

Sa report ni PO1 Clarissa Vargas, ang inireklamo ay si Diosdado David, 40, surveyor ng David Land Surveying Office, at residente ng Barangay Camangaan East, Moncada, Tarlac.

Sa salaysay ni Lina David, 39, real estate agent, ng Bgy. Matatalaib, Tarlac City, labis siyang namighati nang mabatid na hindi ipinaospital ng kanyang asawa ang anak nilang may sakit.

Lalo pang tumindi ang galit ng ginang nang mabalitaang may kinakasama na ang mister hanggang tuluyan nang hindi nagbigay ng suporta sa kanilang mag-ina.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20