Mamay-Belen-Marion-at-Lala-Aunor_USE-THIS-copy

NAPAIYAK si Mamay Belen nang makita sa meet- the-press ng apong si Marion Aunor ang mga nakadaupang-palad na movie reporters noong mga panahong minimentor niya ang pamangking si Nora Aunor, sina Ronald Constantino, Ethel Ramos, Ricky Lo at Crispina Belen.

Emosyonal din si Mamay Belen nang awitin ni Marion ang Pumapagibig na entry sa Himig-Handog contest na finals night na ngayong gabi sa Araneta Coliseum.

The first time Mamay Belen rejoined showbiz people after so many years ay noong manalo si Marion ng 3rd place sa composition niyang If You Ever Change Your Mind. Present din siya nang manalo si Marion ng Most Promising New Recording Artist sa PMPC Music Awards a few weeks ago.

National

France Castro, ipagbabawal confidential funds kapag naupo sa senado

Nagdasal din si Mamay Belen sa Birhen ng Peñafrancia na humaba pa ang buhay niya (she’s 85 y/o) para magabayan si Marion sa kanyang pangarap na maging katulad ng kanyang Mommy, si Lala Aunor na sumikat bilang isa sa Apat Na Sikat noon at kinabilangan din nina Arnold Gamboa, Winnie Santos at Bong Morales.

“Hindi na po ako mangangarap na maging katulad ng Tita Nora (Aunor) dahil nag-iisa siyang superstar. I’m just so proud of her,” sabi ni Marion.

Darating din sana nang gabing iyon sa Solaire para sumuporta sa kanya ang kanyang pinsan na si Ian de Leon (anak nina Nora at Christopher de Leon). Kaya lang, nabaha, tulad din ni Arnold Gamboa na dating ka-love team ni Lala sa Apat Na Sikat.

Hindi naman inaasahan ni Marion ang pagdating sa kanyang presscon ni Michael Pangilinan na naka-duet niya nang bonggang-bongga sa KrisTV last week. Iyon pala’y may offers na sila para mag-join forces sa concert pagkatapos silang mapanood sa KrisTV. Ang ganda naman kasi talaga ng blending ng boses nila at may kakaiba silang chemistry. Pero, hindi pa sila pareho handa na maging magka-love team.

“We will just be a musical tandem para makapag-focus kami sa aming mga careers,” kuwento ni Marion.

Not an ordinary acting love team siguro but singing tandem.

Nahilingan sina Marion at Michael na i-duet uli nila ang ibawit nila sa KrisTV at sinalubong sila ng masigabong palakpakan ng mga tao sa Annabel’s resto. A new musical tandem is born therefore. Hindi ba, Jobert Sucaldito?

Kahit graduate na si Marion ng Communications Management sa Ateneo, nagpaalam pa rin siya sa kanyang Mommy Lala na gusto niya talagang sundan ang footsteps nito.

“When I meet Tita Ethel, who I learned is the Dean of Movie Writers, the more I became excited. She suggested that I compose a song for my mom and I liked her suggestion right away. Para lalo siyang matuwa sa akin, dinagdagan ko pa ang songs na kinompose ko. It’s Songs For My Mama na. Nang marinig ni Tita Ethel, tuwang-tuwa siya. Na-excite din ang mom ko at si Grandma (Mamay Belen).”