Jodi-Sta.-Maria-copy

ANG kagustuhan niyang magpahinga muna ng ilang buwan ang dahilan kaya tinanggihan ni Jodi Sta. Maria ang pagganap bilang Amor Powers sa remake ng seryeng Pangako Sa ‘Yo. Kaya sa farewell prescon ng Be Careful With My Heart, nilinaw niya na walang katotohanan ang kumakalat na balitang sa kanya mapupunta ang papel na dating ginampanan ni Eula Valdez sa isa sa pinakamatagumpay na teleserye ng Dos.

“Gusto ko lang pong klaruhin kasi ‘yun nga po, narinig ko rin na naglabasan na sa akin napunta ‘yung proyekto. Hindi po. Alam po ng ABS-CBN na gusto ko pong magpahinga pagkatapos ng Be Careful With My Heart,” paglilinaw niya.

Ayaw nang pahabain ni Jodi ang naturang isyu, basta malinaw daw na hindi siya ang gaganap sa nasabing papel, kahit pa marami ang tumawag sa kanya na bagay na bagay sa kanya ang role.

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

Ang pinakasikat na love team ngayon nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang bida ng remake ng Pangako Sa ‘Yo pero gustuhin man daw ni Jodi na makatrabaho ang dalawa ay may priorities siya na

dapat muna niyang atupagin.

“Gusto ko rin namang makatrabaho ang dalawang 'yan. Sobrang natutuwa nga ako sa dalawang bata na ‘yun kahit na naabot agad nila ang kasikatan nila, eh, they have remained humble.

“Considering their stature pero pinaunlakan nila ang Be CAreful With My Heart na sumama sila for a limited engagement,” sabi pa ni Jodi.