Isang kasapi ng Citizen Armed Forces Georaphic Unit (CAFGU) ang patay samantalang sugatan ang dalawa katao matapos magsalpukan ang isang motorsiklo at isang pampasaherong van sa highway ng Barangay Cabunbata, Isabela City, Basilan, kahapon.

Sinabi sa report ni Senior Supt. Albert Larubis, hepe ng Isabela City Police Station, agad namatay sa pinagyarihan ng aksidente ang biktimang si Iyusop Indaka, 30, dahil sa mga grabeng sugat na tinamo nito sa ulo at katawan matapos tumbukin ang motorsiklo nito.

Nasa malubhang kalagayan na ang angkas nito si Faisal Indaka, 28, ay inilipat Zamboanga City Ospital.

Nagtamo rin ng sugat sa katawan ang driver ng van at inimbestihan ng pulis sa pangyayari.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nabatid na sumalpok ang motorsiklo ng mga biktima sa pampasaherong van na minamaneho ng isang Alzaner Irada Mohammad.

Sa lakas ng pagkakasalpok, tumilapon ang mga biktima ng ilang metro at napunta rin sa gilid ng kalsada ang naturang van dahil sinubukan pa sana umano nitong umiwas sa aksidente.

Inihahanda na ang kasong laban kay Mahammad habang nagpapagaling ito sa isang ospital.