JERIC-Gonzales

Ni WALDEN SADIRI M. BELEN

HABANG nagkakaedad at lumilipas ang panahon ng mga pinagpipitagan at premyadong mga bidang lalaki ng TV networks, hindi maiiwasang isipin ng mga tao kung sinu-sino ang puwedeng sumunod sa mga yapak nila.

Sa GMA Network, isa si Alden Richards sa mga baguhan na uubra bilang bidang lalaki at maaari na ring ihanay sa kanya si Jeric Gonzales, ang 22 na taong gulang na tinaguriang Ultimate Male Protege sa ikalawang taon ng Protege noong 2012.

National

Painting ni Amorsolo sa private museum sa NegOcc, ninakaw!

Ngayong taon, nagpapamalas ng galing si Jeric sa pag-arte sa dalawang indiemovies na parehong pinagbidahan ni Nora Aunor - sa Hustisya ni Joel Lamangan na pinalabas sa 2014 Cinemalaya at sa Dementia ni Perci Intalan na kasalukuyang palabas sa mga sinehan sa Metro Manila.

Tuwang-tuwa si Jeric nang piliin siya ng direktor ng Dementia lalo na't may mga batikang actor siyang nakasabay sa audition.

"Sobrang blessed po ako lalunglalo na't nakatrabaho ko ang isang superstar," ani ni Jeric. "Lalo na po naging intimate ang relasyon namin kasi sobrang bait niya. Susuportahan ka niya talaga at 'pinaramdam niyang welcome ako kahit bago akong aktor."

Proud si Jeric sa ipinaramdam ng 'Inay Nora' niya na sobrang pagpapahalaga sa kanya. Ipinagmamalaki rin niya na personal niyang nasaksihan ang sobrang pagpapakumbaba ng premyadong aktres sa lahat ng taong nakakasalamuha nito.

Kuwento pa ni Jeric, sobrang mapagbigay si Nora at napabalita ngang ipinamigay nita ang kanyang suweldo sa lahat ng mga artista at mga tauhan ng produksiyon. Nang tanungin namin si Jeric kung magkano ang iniabot sa kanya, isang tawa lang ang isinagot niya.

Ano ang natutuhan o gustong gayahin niya kay Nora bilang artista?

"Mahirap gumaya sa kanya bilang artista kasi ' di mo alam kung papaano niya ginagawa. Effortless," kuwento ni Jeric. "Bilang tao, lagi niyang 'pinapaalala na maging mabait sa kapwa at maging mapagkumbaba."

Kakaibang karanasan para kay Jeric ang paggawa niya ng indie films. Hindi pa siya nagsisimulang makunan sa kanyang bagong teleseryeng Strawberry Lane na alam niyang light romance. Makakapareha niya si Rita de Guzman pero paglaon ng kuwento ay magkakagusto siya kay Kim Rodriguez.

Bilang artista, gusto rin niyang maranasan na magkaroon ng love team dahil nagtutulungan ang magkapareha sa pag-arte at sa karera. Hindi pa sigurado kung si Rita de Guzman ang kanyang makaka-love team pero malapit siya sa young actress dahil lagi silang magkasama sa interviews at press conference.

Kahit may Strawberry Lane na si Jeric, hangad pa rin niyang magpatuloy sa paggawa ng indie movies.

"Kung mabibigyan ng chance at suwertehin ulit, gusto kong mag-audition ulit sa mga indie movies kasi mahahasa ka talaga," aniya.

Nakahanda na rin siyang magkaroon ng sexy image lalo na pagtapos ng Cosmopolitan Bachelor Bash 2014.

Para kay Jeric, nag-mature na ang katawan niya at na-develop pa niya kaya puwede na siyang magkaroon ng sexy image.