James-Nadine_JIMI-copy-copy

MATUTUWA ang mga nag-aabang ng project ng JaDine love team sa TV dahil mapapanood na simula bukas ang month-long special ng Wansapanataym: Presents My App Boyfie na pagbibidahan nila, kasama sina Dominic Roque, Cherie Gil, Malou Crisologo, Ingrid dela Paz, Jazz McDonald, Marco Pingol, at Elise Joson, sa direksiyon ni Jojo Saguin.

Mula sa hit Wattpad series na sinulat ni Noreen Capili, tampok sa Wansapanataym Presents My App Boyfie ang kuwento ni Anika (gagampanan ni Nadine), isang dalagang hindi pa nararanasang magka-boyfriend.

Pero magbabago ang lahat nang mabuhay ang" dream boy" niyang si Jowa (James) na nilikhaniya gamit ang isang application sa kanyang mahiwagang tablet computer.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Makakamit na ba ni Anika ang inaasam na pagmamahal sa pamamagitan ni Jowa? Ano ang gagawin niya kapag nawala ang tablet na pinanggalingan ng kanyang "app boyfriend?"

Bukod sa My App Boyfie, isinulat din ng best-selling author na si Noreen ang mga librong Parang Kayo Pero Hindi at 'Buti Pa Ang Roma May Bagong Papa. Isa rin siya sa writers ng hit Dreamscape teleseryes tulad ng Walang Hanggan, Mirabella, My Binondo Girl, Katorse, at Aryana.

Magsisimula ang Wansapanataym special nina James at Nadine ng alas-7:15 ng gabi bukas pagkatapos ng Home Sweetie Home at sa Linggo (Setyembre 28) naman ay mapapanood sa ganap na alas-7 ng gabi pagkatapos ng Goin' Bulilit sa ABS-CBN.