BACOLOD CITY - Nagsagawa ng limang araw na post-blast investigation training ang Federal Bureau of Investigation (FBI) ng Amerika sa 47 operatiba ng Negros Occidental Police Provincial Office.

Binigyan ng pamahalaang panglalawigan ng limang araw na training ang mga pulis, karamihan ay mula sa Special Weapons and Tactics (SWAT), para mapalakas ang kakayahan ng probinsiya laban sa pambobomba.

Ayon sa Philippine Bomb Data Center, ang mga pulis-Negros Occidental ay tinuruan ni FBI Special Agent Daric Manser, na nanguna sa imbestigasyon ng Boston Marathon Bombing noong 2013.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20