Maituturing na judicial reform ang pagsibak ng Supreme Court (SC) kay Sandiganbayan Associate Justice Gregory Ong.

Ito ang mariing inihayag ng Malacañang matapos na sibakin si Ong bunsod ng 8-5 botohan mula sa mga mahistrado.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, suportado ng Palasyo ang desisyon ng korte kaugnay sa kinahaharap na kaso ni Ong.

Kamakalawa nang ipatibay ng SC ang pagpapatalsik sa puwesto kay Ong dahil sa isyu ng  pagtanggap umano ng suhol mula sa binansagang pork barrel queen na si Janet Lim Napoles upang palusutin umano ito sa mga kasong kinahaharap sa Sandiganbayan.

Eleksyon

Pagbawi umano ni Ex-Pres. Duterte ng COC sa pagka-alkalde, hindi raw totoo

Sa press briefing, sinabi ni SC spokesman Atty Theodore Te, guilty ang inihatol kay Ong sa kasong  gross misconduct, dishonety and improriety.

Bukod sa pagpatalsik, tanggal din ang mga benipisyo ni Ong maliban sa kanyang accrued leave benefits at hindi na rin siya maaring makapagtrabaho sa anumang ahensiya ng gobyerno.

Si Ong ang itinuro ng mga pork scam whistleblowers na sina Benhur Luy at Marina Sula na tumanggap ng suhol upang mapalusot si Napoles at asawa nitong si Ret. Maj. Jaime Napoles sa kasong graft at malversation of funds na isinampa sa mag asawa kaugnay ng maanomalyang pagbili ng Kevlar Helmets para sa Philippine Marines na nagkakahalaga ng P3.8 milyon.

Noong Enero 2014, ipinag-utos ng SC ang pag-iimbestiga sa mga akusasyon kay Ong.