Additional authority ang hinihingi ng Malacañang para kay Pangulong Benigno S. Aquino III kaugnay ng pinagdedebatehang emergency powers sa Kongreso.

Ito ang nilinaw ni Presidential Spokesperson Abigail Valte na nagsabing hindi emergency powers ang kanilang hinihiling sa Kongreso kundi karagdagang awtoridad para sa Pangulo upang matugunan ang nakaambang krisis sa kuryente sa susunod na taon.

Giit ni Valte, ang kanilang hiling ay alinsunod naman sa batas o Electric Power Industry Reform Act (EPIRA).

Gayunman, tiniyak ng Palasyo na handa silang makipagtulungan sa Kongreso upang masolusyunan ang nakaambang power crisis sa 2015.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Bukod pa rito, sinabi ni Valte na mahalaga rin na magkaroon ng pag-uusap ang ehekutibo at lehislatura upang matalakay ang hiling na additional powers mula sa Kongreso.