Kung mayroong hihilinging magkatotoo si Cavite 2nd District Rep. Lani Mercado Revilla sa kanyang ika-48 kaarawan kahapon, ito ang payagan ng korte na makapagpiyansa ang kanyang asawa na si Senator Ramon “Bong” Revilla Jr.

"We're close to the last three witnesses already. I hope makapagdesisyon sila nang tama, na pabor sa amin," pahayag ng kongresista sa paglilitis sa kasong kinahaharap ng kanyang asawa hinggil sa pork barrel scam.

Simula nang sumuko ito sa awtoridad noong Hunyo 20, nakadetine pa rin ngayon si Bong sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City kung saan nagdiwang ang mag-asawang Revilla mula 1:00 hanggang 5:00 ng hapon.

Tiniyak ni Lani sa kanyang mister na matibay ang suporta ng pamilya sa senador.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ayon kay Lani, masaya ang kanyang asawa na nakapiling nito ang kanyang pamilya sa kaarawan ng dating aktres.

Samantala, sinabi ni Bong na inaaliw niya ang kanyang sarili habang nasa piitan sa pag-eehersisyo tulad ng Mua Thai, shadow boxing at speedball training.

Dahil sa nakararanas siya ng migraine paminsan-minsan, sinabi ng senador na pinayuhan siya ng kanyang doktor na sumailalim sa Magnetic Resonance Imaging (MRI).

"Pero I'm okay. Malakas ako. Malakas ang panday," giit ni Bong.