Isang magkapatid na special child ang natagpuang patay makarang matrap sa nasusunog nilang bahay sa Isabela City, Basilan noong Lunes ng hapon.

Nagsimula ang sunog bandang 1:00 ng hapon, at inaalam pa ang sanhi nito.

Nasawi ang magkapatid na sina Reynald Salazar, 14; at John Mark Salazar, 10 anyos.

Ayon kay Renante Salazar, ama ng mga biktima, bigo ang 75-anyos na lolo ng magkapatid na mailabas ang mga ito sa nasusunog na bahay nang lumaki ang apoy.

National

Gatchalian kay Guo: 'See you tomorrow, sana magsabi ka na ng totoo!'

Nagbigay ng tulong pinansiyal ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamilya ng magkapatid.