Patay ang dalawang suspek sa panghoholdap ng isang pampasaherong jeep nang makaengkuwentro ng mga operatiba ng Batasan Police Station sa Payatas, Quezon City kahapon ng madaling araw.

Sa report kay Quezon City Police District (QCPD) Director Chief Supt. Richard Albano ni Supt. Segundo Lagundi Jr, nangyari ang enkuwentro bandang 1:20 ng madaling araw sa Samar St., AMLAC Subdivision, Payatas, Quezon City.

Ito’y matapos limasin ng dalawang suspek ang salapi at personal na gamit ng mga biktima na lulan ng isang pampasaherong jeepney (UVU 605) na minamaneho ni Michael Adel.

Agad ipinagbigay-alam sa himpilan ng pulisya ang panghoholdap sa mga biktimang sina Maryan Ropero, 45; Andrello Pogoy ,26; Rey Ancero, 20; at si Adel.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ikinasa noon din ng mga operatiba ng himpilan ang followup operation kung saan naispatan ang isa sa mga suspek na may dalang pulang shoulder bag na pag-aari ni Ropero. Nang sitahin ng mga rumespondeng pulis. biglang bumunot umano ng baril ang mga suspek at pinaputukan ang mga ito.

Nabawi sa mga napatay na suspek ang shoulder bag at iba pang gamit ng biktimang si Ropero at dalawang kalibre 38 baril.