INCHEON, South Korea— Patuloy na minamatyagan si Enrico Lorenzo Fernandez ng Philippine medical team kung saan ay kinukonsidera itong umatras sa bowling competition.

Natamo ni Fernandez ang bum tummy, na naging dahilan upang iniksyunan ng physicians ng intravenous fluid upang mapanatili itong kondisyon sa posibleng dehydration.

Pinasuspetsahan ni delegation doctor Ferdinand Brawner ang isinilbing duck meat sa Athletes’ Village dining hall na posibleng umanong nakaapekto kay Fernandez.

“He’s the only one affected, so it could be just one food served at the dining hall and we suspect it was the duck,” pahayag ni Brawner.

National

Asawa ni Harry Roque, pinaaaresto na rin ng Kamara

Dumating ang bowling team sa Athletes’ Village noong Sabado ng umaga mula sa Manila.

Si Hernandez ang pinakabata sa koponan sa edad na 19.

Subalit naniniwala si Brawner na posibleng makapaglaro si Hernandez lalo pa at kinakikitaan na ito ng pagbuti.

“He may play. We are hoping he recovers fast,” giit ni Brawner.

Inaasahan ng Pilipinas na isa ang bowling na posibleng makapag-ambag ng gold medal sa pangunguna ni Biboy Rivera, ang dating world champion.

Siya ang defending singles event champion sa quadrennial event.

Magsisimula ang bowling competitions sa men’s singles ngayon sa Anyang Hogye Gymnasium.