4Bea-Paulo-lang-copy

HAYAN, iisa ang isinisigaw ng televiewers na sumusubaybay sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon. Nabitin sila sa napakagandang love scene nina Bea Alonzo at Paulo Avelino.

“Bitin, isa pa,” say ng mga nakatsikahan naming tumutok sa episode ng serye noong Biyernes ng gabi habang nanalasa ang bagyong ‘Mario’ sa buong Luzon.

Kudos kina Direk Trina Dayrit at Direk Jerome Pobocan, sinuman sa kanila ang nagdirehe ng love scene nina Bea at Paulo na napaka-passionate at naalagaan nang husto ang aktres.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Pero sina Zanjoe Marudo at KC Concepcion naman ang iniisip namin habang pinapanood namin ang magandang love scene nina Bea at Paulo. Hindi kaya magselos ang mga ito?

Pero halatang napakaingat ni Paulo sa eksena nila ni Bea, mararamdaman ng nanonood na may love sa nasabing eksena, lalo na nang banggitin ng aktor na, “misis ko?”

Halos lahat ng tao ay nasa kani-kanilang bahay nang gabing iyon at nanood ng nasabing love scene, kaya agad nag-trending sina Bea at Paulo.

May nagsabi pang, “Bagay sina Paulo at Bea, sayang.”

Bakit naman sila nanghihinayang, eh, mabuting tao si Zanjoe kaya suwerte rin ni Bea. Sino naman kaya kina KC at Paulo ang masasabing good catch?

May humirit pa, “Ang kinis-kinis ni Paulo ‘no, hindi nagpatalo sa kakinisan ni Bea.”

Oo nga, ang kinis-kinis ni Paulo, kutis baby. Eh, kasi naman may dermclinic ang ate niyang si Honey Avelino sa Baguio City na kasosyo ang boyfriend nito na kasali sa reality show na I Do.