Mga laro ngayon (Fil-Oil Flying V Arena):

12 p.m. -- San Beda vs. Perpetual Help (jrs/srs)

4 p.m. -- Mapua vs. EAC (srs/jrs)

Makamit ang isa sa top two seeding papasok ng Final Four round ang tatangkain ng reigning four-peat champion San Beda College, habang patuloy namang buhayin ang pag-asa nilang makausad sa susunod na round ang hangad ng kanilang makakatunggaling University Awitanof Perptual Help System Dalta sa pagpapatuloy ngayong hapon ng NCAA Season 90 men’s basketball tournament.

Eleksyon

TINGNAN: Listahan ng mga aspirants na nag-file ng COC at CONA ngayong Oct. 3

Nakatakdang magkrus na muli ang landas ng Red Lions at ng Altas ngayong alas-2 ng hapon para sa pambungad na seniors game na susundan naman ng salpukan ng nasipa nang Mapua at Emilio Aguinaldo College sa ika-4 ng hapon.

Hawak ang barahang 13-2, panalo-talo, target ng Red Lions ang ika-14 na panalo at ikalimang sunod ngayong second round para maangkin ang isa sa top 2 spot na may kaakibat na twice-to-beat advantage papasok ng semifinals.

Sa kabilang dako, magkukumahog namang makabangon ang Altas (8-6) sa natamong dalawang dikit na pagkabigo sa kamay ng season host Jose Rizal University at Mapua ngayong second round upang makaagapay sa ikatlong posisyon na okupoado ngayon ng Heavy Bombers at ng St. Benilde Blazers taglay ang barahang 9-5.

Tatangkain ng tropa ni coach Aric del Rosario na maipaghiganti ang kanilang natamong 75-77 na pagkabigo sa koponan ni coach Boyet Fernandez noong Agosto 6 sa unang round.

“We’ve made it in the Final Four now we’ll be eyeing to at least make it to the top two and hopefully win San Beda a five-peat,” ani San Beda coach Boyet Fernandez.

“Sana makabawi kami. Nakaka-frustrate na ‘yung mga maling tawag at kalimitan ay non-call ng mga referees sa amin,pero wala kaming magagawa.Kailangan maipanalo naming yung next game namin para mapaganda yung chance namin na pumasok ng Final Four,” ayon naman kay del Rosario.

Samantala sa tampok na laro, bagamat wala na kontensiyon, magtatangka pa rin ang Cardinals na maituloy ang nasimulang 3-game winning run sa pagsagupa nila sa dumadausdos namang pababang Generals para sa mas mataas na pagtatapos ngayong season.