Nagpakawala na kahapon ng tubig ang Magat Dam sa Ramon, Isabela matapos tumaas ang water level nito bunsod ng matinding ulan mula sa bagyong “Mario.”

Aabot naman s a siyam na bayan ang naapektuhan ng pagpapakawala ng tubig sa water reservoir.

Kabilang sa mga lugar na ito ay ang Ramon, San Mateo, Aurora, Cabatuan, Luna, Reina Mercedes, Burgos, Naguilian, at Gamu.

Kahapon, sinabi ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na aabot sa 189.85 metro ang naitalang level ng tubig ng dam at malapit na sa spilling level nito na 190 metro. - Rommel P. Tabbad
National

'Wag siyang mag-astang Diyos!' Hontiveros, inalmahan hiling na hospital arrest ni Quiboloy