Muling nagbabadya ang pagtaas sa presyo ng premium sardines sa mga susunod na buwan, ayon sa mga manufacturer.

Napag-alaman sa mga manufacturer ng sardinas, na P0.50 kada lata ang itataas nito dahil gagamit na sila ng “easy open can”.

Habang sinabi ni Steven Cua ng Philippine Amalgamated Supermarkets Association, posibleng tataas ang presyo ng de latang isda dulot ng kakapusan ng rekado nito tulad ng tomato paste, tomato sauce, spices at lata. - Jun Fabon
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20