Kapwa patay ang dalawang magkaalitang lalaki nang magduwelo sa patalim at baril sa Zamboanga City.

Nagkita ang dalawa sa isang burol sa Sitio Mangga, Barangay Bolong, ng lungsod na sinabayan ng inuman.

Nang malasing, muling sumiklab ang hindi pagkakaunawaan ng dalawa hanggang nauwi sa pagduduwelo.

Una umanong kumuha ng patalim ang biktimang si Noel Santa Maria Franciso, sinaksak ang biktima na si Roger Cuartocruz Nobel.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Bagamat sugatan na, nakuha pang paputukan ng dala niyang baril si Cuartocruz kay Santa Maria.

Ang nasabing pananaksak at pamamaril ay nasundan pa ng ilang beses sa pagduduwelo ng dalawang biktima.

Dahil parehong grabeng nasugatan, matapos ang ilang oras ay namatay din ang dalawa.

Nakuha ng mga rumespondeng pulis sa lugar ng insidente ang isang caliber .45 pistol, magazine na may limang bala at ang patalim.